Saturday, July 02, 2005


part 1 ng isang sulat na tila yata dapat hindi ko na ipinadala

'Yung mga sulat mo, naitago kong lahat. Nasa
kahong pinaglagyan mo ng birthday gift ko noon
ang lahat ng pangako mong nabitawan at nailapat
sa papel, na para bang mga kontrata mong
pinirmahan, hindi mo na mababawi, hindi mo na
mabubura. Akin na ang mga iyon kasama ng isa't
kalahating taong dami ng alaala, isa't kalahating
taon ng ngiti at luha, isa at kalahating taon na akin
ka.

Ang kahon na iyon itinago ko na. Doon lang sa tabi
ng kama ko, sa madilim na sulok na hindi ko nakikita
sa pag-asang balang araw ay malilimutan ko na
naroon pa pala ito. Katabi ang mga sulat ng mga
kaibigang nagdaan, mga pag-ibig na ako rin ay
iniwan ngunit akin nang nabitiwan, umaasa ako na
isang araw ang mga sulat mo'y sa ganoong
paraan ko na rin titignan.

Pero kung minsan kahit buo na ang aking
kagustuhang hindi na sana masaktan, hinihila ko
ang kahong iyon mula sa sulok nitong kinalalagyan
at isa-isang binabasa ang mga sulat mo. Isa isa
kong tinitignan ang mga larawan at saka babahiran
ng luha.

Hindi sapat ang magtapang tapangan. Hindi sapat
na ika'y layuan. Hindi sapat ang payo ng kaibigan.
Hindi sapat ang sabihin sa sarili na hindi ka
nakabubuti, hindi makabubuti para sa akin. Hindi
sapat ang lumuha sa gabi na nakahiga sa kama sa
dilim na hawak ang nagpupumiglas na dibdib at
sabihin nang paulit ulit na ayaw na kitang mahalin.
Siguro, sa puntong ito, ang magiging sapat na
lamang ay aking kamatayan, at kung ako'y may
tapang lamang, sa araw na ito limang buwan na
ang nakararaan ay kinitil ko na ang buhay ko para
lamang mawala na ang sakit sa dibdib ko. Gusto
na kitang kalimutan, Reni, ngunit tila hindi sapat ang
aking kagustuhan dahil hanggang ngayon sa
bawat paggising ko sa bawat isinusumpa kong
umaga na ako'y buhay pa ay pangalan mo pa rin
ang gustong isigaw ng damdamin kong pilit pa ring
pinipigilan.

Masakit ang malayo sa iyo. Masakit din ang malapit
sa iyo. Hindi ko na maapuhap ang gitna, hindi na
maapuhap ang kasiyahan. Hindi ko na mayakap
ang buhay ko sa kabuuan nito. Hindi ko na
mabuhay ang buhay ko gaya ng sa kagustuhan ko.
Hindi ko na alam kung saan pa pupunta. Hindi ko na
din alam kung ano pa ang gagawin sa buhay na
ikinaloob sa akin dahil sa totoo lang araw-araw
akong naghahanap ng rason para mabuhay ngunit
hanggang ngayo'y wala akong makita. Wala akong
magawa sa buhay na ito kundi ang araw araw na
bumangon at magkunwaring matatag para sa mga
taong umaasa at sa mga taong naghihintay na ang
buhay ko'y mabawi ko na.

Matapang... matapang ba ako, naging matapang ba
kailanman? Tila hindi ko na maalala. Tila hindi ko na
maalala ang buhay ko noong wala ka pa, na kahit
naisulat ko nang buong buo sa isang daan mahigit
na piraso ng papel ay hindi ko maisip kung ako nga
ba iyon o hindi. May nakilala ka noon na matapang
na babae. Isang prinsesa na mataas ang tingin sa
sarili at walang iniinda. Walang sinasanto at hindi
natatakot. Ang babaeng iyon, hinanap ko sa sarili
ko-- kapag nakita ko ba siya mamahalin mo ulit
ako? Hindi ko na yata kaya ang maging matapang.
Hindi yata ako yon. Ikaw yata yon. Ikaw yata ang
dahilan kung bakit wala sa akin noon ang
masaktan o madapa. Hindi ako matapang kung
wala ka dito.

Mahilig akong umarte. Mahilig akong gumawa ng
mga mundo sa aking imahinasyon na pilit kong
ipinapasok sa buhay ko, pilit ginagaya ang mga
bida sa mga kuwento ko. Sila iyong matapang at
hindi ako. Gusto ko palagi na maging matapang
para sa iba.

Gaya mo gusto ko na ding mabuhay para sa sarili
ko. Gumawa ng mga desisyon na walang pakialam
sa ibang tao. Ngunit di tulad mo may mga pangako
akong binitiwan at responsibilidad na dapat
gampanan. Nangako ka minsan na palagi akong
aalagaan. Ngayon nasaan ka na? Kailangan kita.
Bakit wala ka dito?

Hindi ba sapat ang pagmamahal ko? Kung anu-ano
ang mga ipinangako mo. Na itatanggol ako, na
pprotektahan, na hindi iiwan, hindi sasaktan.


ang part 2? huwag na ninyong hanapin ang part 2. suffice it to say na lalo lamang naging desperada ang boses sa sulat na ito.

bakit nga ba ganoon ang pag-ibig? kung ma-pride lamang akong tao (All I Have - Jennifer Lopez feat. LL Cool J), hindi ko siguro ito magagawa sa sarili ko. hindi ko hahayaang ibaba sa ganitong klase ng katangahan ang sarili ko, pipiliin na lamang ang pride ko at saka maglalakad palayo. bakit nga ba ganito ang pag-ibig, na hinahayaan kong ibaba ang sarili ko ng ganito para sa taong mababa pa sa akin? i am a japanese princess. ang pinakaimportante sa mga haponesang tulad ko ay honor.

hindi ko inirerekomenda ang umibig. hindi ko inirerekomenda ang sakit na ito, lalo na sa mga kaibigan ko. makinig kayo. huwag na kayong umibig.

huwag na kayong umibig.


3:55 AM
will you catch me when I fall? :: |


Wednesday, June 22, 2005


tired. dead. and wanting a tiramisu meltdown. badly.

that dispensed with, i heard a song over the radio today. one line jumped at me:

i'm tired and i want somewhere to begin.

that's apt.

happy to report that i aced whatever phys. exam return demos i had the chance to deal with. six more next week.

oh, and resigned from the class president job. gilbert's the new president! hahaha. ^_^


2:49 AM
will you catch me when I fall? :: |


Saturday, June 11, 2005


i want the Tagalog theme of "All About Eve". now. very seriously. what? maganda naman yung kanta a.

so nanood na kami ni ate Maia ng Sin City kanina. wala akong ibang sasabihin sa inyo kundi panoorin ninyo ang pelikulang ito! now na now na.

sigh. it's a little late for me to still be here. but what's a girl to do, after all?

uminit ang ulo ko the other day. kasama ko siya, nanood kami ng mr. and mrs. smith. his cellphone died and he had to borrow mine. pagka insert niya ng sim niya, pagbukas ng inbox niya, dun ko nakita-- lahat ng message niya, nanggaling sa isang taong kinalaban na namin nina skywayred at LWS-- her name rhymes with Pasha. *eyeroll*

ewan ko, ha. pero uminit ang ulo ko. so much that i walked out on the best part of the movie just to get my heart to slow down. i guess i'm what Filipinos call "affected". affected pa rin kahit alam ko na ere lang yung katext niya, na ere lang yung present girlfriend niya. kahit alam ko na hindi siya nakabuti sa akin. na isa siyang tanga't kalahati dahil ipinagpalit niya ako sa isang babaeng hindi pala totoo.

nahihiya na din ako minsan sa mga kaibigan ko, na palaging narito para sa akin para lang sabihan ako na kaya ko 'to, na hindi niya ako dineserve, na may darating pa na mas mabuti, mas maganda para sa akin. sa mga kaibigan na hindi ako iniiwanan-- sumasama pa nga sa aking kagagahan, lalo na noong nag-imbestiga kami tungkol sa ilusyonadang gagang manloloko na iyon.

bakit kaya hindi ko mapigilan ang umasa? nung binuksan ko ang friendster niya, "single" na daw ulit siya. wala na ang testimonial ng babaeng ere na ipinalit niya sa akin. nasabi ko na rin sa kanya ang lahat ng napag-alaman naming magkakaibigan. alam na niya.

bakit kaya mas pinipili niya ang babaeng iyon kaysa sa akin? hindi ba't nagsinungaling din yun sa kanya?

kailan kaya ako matatapos sa kalbaryong ito?

sabi niya nagkita daw sila ng girlfriend niya sa GB nung nakaraan. ang sabi daw ng hitad, tatawag siya. sabi naman ni ex, ayaw niya ng tawag. gusto niya, sulat. snail mail. pag hindi daw dumating ang sulat na iyon, tama na daw kami. tama na daw ako.

"Tama naman kami e," walang takot kong nasabi.

(kinukumusta ka nga pala nito, skywayred.)

panahon, sabi ni Reen. sabi din ni Kui. ni Ate. ni Chelle at ng iba ko pang mga kaibigan mula sa iba't ibang sulok ng mundo. panahon, at mawawala din ang sakit. panahon, at mawawala din ang alaala. kahapon, naglinis ako ng kuwarto. nakita ko ang mga sulat sa akin ng pinakauna kong nobyo.

may pag-asa. hindi ko na siya naaalala. balang araw, hindi ko na rin ito maaalala. matatawa na lamang sa pinagsusulat ko dito. yun bang "i remember the boy" syndrome.

balang araw, makakahanap din ako ng bagong pag-ibig. pag-ibig na higit pa dito. pag-ibig na hihigit pa sa sakit na nadarama ko. pag-ibig na patititigilin ang pagddrama ko.

sa ngayon nagpapasalamat na lamang ako sa mga tunay na kaibigan. salamat sa inyo: Ava, LWS, Urd, Reen. Kui, Chelle, Sakura, Juni. at sa iba pa. wala na akong mahiling pa.


12:18 PM
will you catch me when I fall? :: |


Wednesday, June 08, 2005


yahoooo. ganda ng bagong template ko! wagi! may tagboard na po sa ibaba at binago ko na po ang commenting sysytem. yaaaaay. magagamit ko na ulit ang blog na ito!


10:26 PM
will you catch me when I fall? :: |


Haloscan commenting and trackback have been added to this blog.


10:14 PM
will you catch me when I fall? :: |


Monday, May 23, 2005


Take the How Well Do You Know Iris Quiz!


2:06 AM
will you catch me when I fall? :: |


Saturday, May 21, 2005


how much can a girl take, i've asked myself (and flist) here, time and again. mostly, it was school issues, and things about my ex.

well, history seems to want to repeat itself-- said ex wants to, again, drop out of school. also, move out of his parents' house and find a job. he told me when he fetched me yesterday from my condo, over mcflurry and strawberry float. i raised an eyebrow and felt an overwhelming sense of deja vu. no, come on. really?

asked where he was going to live if he did move out. he said he'd look for an apartment. asked where he was going to get money for said apartment.

where else? he was gonna use the money his aunt was sending him for next semester's tuition.

*headdesk*

no, i can laugh about it now. it's one of the most idiotic, harebrained, stupid, foolish, imbecilic ideas i have ever heard. i asked him, in Tagalog, what he'd do for work, being a college dropout. (sorry, it's funnier in Flipino)

me: ano'ng kukunin mong trabaho? ibebenta mo'ng katawan mo? buti kung may bumili!

him: *glare*

me: *what? look*

godBEdamn it. i mean, really-- how small is his brain? he says he doesn't want to study nursing anymore (who does? i sure don't-- but i'm still here [and my family doesn't NEED money, at that!]). he says it's too hard for him (too hard? ni wala pa nga siyang clinical duty nyan! wala pang RLE! wala pang community exposure! quitter! gago!). he says that he hates it when his parents pick on him all the time (excuse me, but, in fairness, you don't really have a good track record as far as your parents are concerned, baka. you really haven't done anything to make them proud of you since you graduated high school [a year late, might i add]). he says he'll give them money to help with the expenses (yeah, fat lot of good that'll do, bonehead-- exactly how much money, as a college dropout, would you be able to make in a week, a month? how will that help your family? look around you before you start dreaming about that culinary arts thing you've been dying to do-- your family isn't swimming in money, pal. one could say that you're in dire straits, and in this country, too. i don't know where you GET this trash. if you drop out-- AGAIN-- your parents will have nothing. expecially when Ate Jaja-- your primary source of money-- gets married this year or the next. your family will have nothing but disappointment, from Yen [who i love and cherish to death but, well, he dropped out, too] and you, who can't seem to do something so unbearably simple as keeping it together).

ang puso, ang puso.

fuuuuuuuuckfuckfuck. seriously. this guy needs a leash and a cage.

there's always time to chase after my dreams, i keep thinking. there's always time to do what i really want-- to write. there'e always somewhere i can learn that from-- from Tin-sama, Sakura-'neesama, Chelle-'neesama, and all the others. there's always time for that when i've got everything i would have want of in my world. and the only way i see to get those things i want is to keep at this nursing course and get really, really lucky. him, he doesn't seem to GET that. he just wants to be happy now. (and funnily? i heard all these things from someone else already, someone who doesn't even know him-- Sakura-'neesama)

he's so selfish, only thinking about what would make HIM happy, what would make HIM content. he's not thinking about his mother, who i pity so much right now. he's not thinking about the future-- the real future, not just a year or two later. he can't see that far, but i can. the ground he's walking now is unstable as it is-- if he drops out again, it's one more wrong that WON'T make anything right, for a long time. if he drops out again, his parents will disown him, and he would deserve it, the foolish cad. he's their only hope. i wish i could count on Yen, who i really, really do love and hold in high regard, but Yen's got a bad, if not worse, track record than Regi. as far as responsibility goes, Regi scores, if he's not being stupid. Yen has a tendency to be flighty. *sad*

i did NOT work so long and hard to put him back on track just so he'd muck it up all over again.

dammit.

if he drops out again, i swear to God, he is going to lose what little respect i have left for him. which is funny, i think, because that probably wouldn't matter a whit to him.

THIS is exactly how much a girl can take, ladies and gentlemen.

THIS is MY limit.

i'm just so sad right now.


4:52 AM
will you catch me when I fall? :: |


Thursday, May 19, 2005


i never again want to hear someone call me 'pwincess'.

ever.


11:55 PM
will you catch me when I fall? :: |


tinamad ako bigla mag post sa LJ. kinakain yung posts ko-- may problema sa date. inaantok na ako kaya bukas ko na tatapusin. ohwell.

i like behaving like a secret agent/detective sometimes-- i like the chase, the hunt for the truth. i like knowing that all i need to expose someone is right in my fingertips, just waiting to be taken advantage of.

the fact that all this detective work only proves that the girl my ex fell in love with never existed? is just an added bonus. ganyan talaga kapag maganda ka na, talented pa-- hindi bagay sa mga aanga-anga na naiinlove sa mga babaeng ni hindi pa nila nakikita.

i'm having too much fun with Ava and Reen and Urd-- this whole X-Files shit takes up a lot of my time but it's well worth it. the second i expose this conniving, manipulative liar for who she really is, i'm done. we won. we pwned her. right now we kind of already pwned her. we have a mountain's worth of evidence to disprove her every claim, from pictures to university records to hospitals that do not exist.

she's lost. all i want is an admission. i will stop at nothing to expose her for what she truly is.

putakte. ako pa ang natawag na sinungaling. gago pala siya e.

sabay sabi ng kuya ko, i should be kind daw-- i should tell him what i know, as a friend and without malice. bakit-- nun bang tinawag niya akong sinungaling, nagiging mabait siya sa akin nun? nun bang sinira niya ang buong buhay ko, nun bang inilibing niya ako ng buhay sa kalungkutan ko, nagiging mabait ba siya sa akin nun?

so, i ask you-- why should i be kind now?

WHY SHOULD I BE KIND NOW?

i know my brother might be thinking that the ray of light he loves in me just went and gone out.

i'm sorry, Kui. i think my light went out on the day he broke my heart.


7:44 AM
will you catch me when I fall? :: |




















this girl
named Ekai Ungson
find here
or here
or here
or here


listen to the static
"Wonder" - Megan McCauley
"Everyone is Wrong" - The Donnas
"You and Me" - Lifehouse
"Blind" - Lifehouse
"Lonely No More" - Rob Thomas
"Akap" - Imago
"The Difference" - Matchbox Twenty
"Extraordinary" - Liz Phair


Tagboard

angel wings
George
Joy
Candy
Nikki
Lance
Bryan
Alec
Kramer
Elbert
Sean
Randy
Mike
Sacha
Clair
Charo
M. Connie
Marlon
Ka Edong
Ava
Ken
LWS

adoring
Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com

iBlog


Who Links Here

credit is where credit's due
Knocking
Minitokyo
Blogskins

Blogger



Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com